Maligayang Pagdating sa 3rd Asia-Pacific & Digital Dentistry International Conference sa Singapore

Minamahal naming kasamahan ng Dental Team,

Dr. Dobrina Mollova Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at katapatan taon taon. Sa taong ito nagmamarka ang ika-sampung anibersaryo ng aming komperensiya sa Dubia. Nagsimula sa simpleng ideya sampung taon na ang nakaraan, ay nagpapatunay at walang duda, na ito ay hindi matutularang tagumpay. Ito ay umabot sa rehiyon ng Asya – Pasipiko sa nakaraan tatlong taon. Sa ika 4 - 5 ng Disyembre taong 2015, ang 3rd Asia-Pacific, CAD/CAM at Digital Dentistry International Conference ay gaganapin sa Suntec Singapore.
Ang CAD/CAM ay naging isang mahalagang bahagi ng ating mundo sa maraming aspeto mula noong 1950s at sa taong 1980s ito ay naisama sa industrya ng dental. Ito ay talaga namang kamangha-mangha na masaksihan kung gaano kabilis umunlad ang CAD/CAM at digital sa larangan ito. Isang mabilis na sulyap sa nakaraang IDS sa Koln, Germany at IDEM sa Singapore ay nagpapakita na hindi lamang ang mga pambihirang pag-unlad sa teknolohiya na ito, ngunit pati na rin sa malaking bilang ng mga tagagawa na sumali na rin sa merkado.

Ang paglago ng CAD/CAM dentistry kaagpay ng mga bagong teknolohiya, materyales at kagamitan ay nakitang mabilis na nakapasok sa kapwa kumpanya ng mga dentista at pati na rin sa mga laboratoryo. Walang duda na ang teknolohiyang digital ay naging mahalaga sa bawat pagsasanay sa dental at laboratoryo. Ang tanong ay: tayo ba ay handa na mapanatiling napapanahon ang lumalaking industriyang ito, at kaya ba natin na isagawa ang mga impormasyong ito sa ating pagsasanay ng walang wastong kaalaman? Ito and magiging pangunahing hamon sa amin.

Sa Disyembre, ang Singapore ang magiging lugar para sa lahat ng may kaugnayan sa Digital Dentistry, sa 3rd Pacific, CAD/CAM Digital Dentistry International Conference magbubukas ita para sa mga propesyonal sa industriya ng dental mula sa buong rehiyon ng Asia Pacific sa ika- 4 at ika- 5 ng Disyembre, 2015.

Sampung taon ang nakaraan, noong bago pa lamang sa Gitnang Silangan, sinimulan namin ang kauna unahang CAD/CAM & Digital Dentistry International Conference ng may sagisag at mataas na kumpiyansa sa larangang ito. Iyon ang dahilan kung bakit tiwala kami na magagawa naming mailipat ang konseptong ito sa rehiyon ng Asia Pacific ng matagumpay.
Katulad sa Dubai, ang Singapore ang naging pangunahing komersiyal para sa rehiyong ito. Sa kadahilanang ito, nais naming anyayahan ang lahat ng mga dental propesyonal sa pangatlong pagkakataon sa Asia Pacific para sa pinakamalaking taunang internasyunal na kaganapan na tumatalakay sa buong Digital Dentistry, na gaganapin sa Singapore. Kami ay nagagalak ng mag-organisa ng ganitong okasyon, na kung saan bumuo ng matibay na tulay sa ating mga dentista, tekniko at sa industriyang ito. Sa kabila ng aming patuloy na paglaki, sinubukang naming panatilihin na isang pamilya na maituring ang bawat komperensiya at mapanatili namin ang “Pagtutulungan ng magkakasama para sa mahusay na Dentistry”.

Magkita kita tyo sa Dynamic City-State ng Singapore!

Dr. Dobrina Mollova, MDS
Managing Director
CAPP

Mr. Tzvetan Deyanov
Director
CAPP